NADAGDAGAN ng 169 panibagong kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP) kaya ang kabuuang dinapuan ng nasabing virus sa kanilang hanay ay pumalo na sa mahigit 20,000.
Sa datos ng PNP- Health Service,sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya ay umabot na sa 20,009.
Habang malaki ang nadagdag sa kaso kumpara sa 59 lamang noong Abril 27 at 122 new cases noong Abril 28.
Ang bilang naman ng aktibo o mga nasa ospital at naka-quarantine ay 1,776.
Habang 18,178 naman ang tuluyang gumaling makaraang maitala ang new recoveries na 202 noong ala-6PM ng Abril 28.
Tiniyak naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na patuloy ang pagsisikap ng organisasyon na makarekober ang mga tinamaan ng COVID-19 gaya ng kahandaang tustusan ng pambili ng Remdisivir upang hindi na madagdagan ang 55 na nasawi sa kanilang hanay. EUNICE CELARIO
Comments are closed.