UMAABOT pa sa 1,997 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Batay sa case bulletin #609, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,815,080 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 1.0% na lamang o 29,382 ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.
Sa mga active cases naman, 63.3% ang nakakaranas ng mild symptoms, 16.34% ang moderate cases, 10.1% ang severe cases, 5.6% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 4.3% ang kritikal.
Mayroon ding 1,696 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,740,426 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.3% ng total cases.
Mayroon pa ring 238 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 45, 272 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.61% ng total cases. Ana Rosario Hernandez