16,989 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot pa sa 16,989 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala nila sa Pilipinas araw ng Miyerkoles.

Base sa case bulletin no. 550 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, hanggang nitong Setyembre 15, 2021 ay umakyat na sa 2,283,011 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang kabuuang kaso naman, 7.5% o 170,446 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 85.4% na mild cases, 9.8% na asymptomatic, 2.77% na moderate, 1.4% na severe at 0.7% na critical.

Mayroon namang 24,123 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman.

Sanhi nito, umaabot na sa 2,076,823 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 91.0% ng total cases.

Samantala, mayroon pang 214 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 35,742 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.57% ng total cases.

Kaugnay nito, iniulat ng DOH, na mayroon pa ring 44 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 32 recoveries at isang death.

Mayroon ding 135 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez

80 thoughts on “16,989 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. Let me give you a thumbs up man. Can I tell you exactly how to do amazing values
    and if you want to seriously get to hear and also share
    valuable info about how to learn SNS marketing yalla lready know follow me
    my fellow commenters!.

  2. Have you ever thought about creating an e-book or guest authoring on other websites?
    I have a blog based on the same subjects you discuss and would really like to have you share some stories/information. I know my visitors would value your work.
    If you are even remotely interested, feel free to send me an email.

  3. Howdy! I could have sworn I’ve been to this blog before
    but after reading through some of the post I realized it’s
    new to me. Nonetheless, I’m definitely glad I found it and I’ll be book-marking and checking back often!

Comments are closed.