PINARERESOLBA sa budget deliberation sa plenaryo ang libo-libong unfilled positions sa attached agencies ng Department of Finance (DOF).
Ayon kay Baguio City Rep. Mark Go, halos 16,000 ang bakanteng posisyon sa buong nasasakupan ng DOF.
Aniya, pinakamalaking may mga bakanteng posisyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 10,000, habang sa Bureau of Customs (BOC) ay aabot naman sa 3,000.
Pinuna rin ng kongresista ang OF dahil taong 2015 pa hindi napupunan ang mga plantilla position.
Naniniwala naman si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na kung mapupunuan ang libo-libong bakanteng posisyon na ito ay mas magiging epektibo sa koleksiyon ng buwis at sa trabaho ang BIR at BOC. CONDE BATAC
Comments are closed.