ISABELA – ISANG 17-anyos na binatilyo ang nasagip ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army mula sa New People’s Army (NPA) sa bayan ng Echague.
Inihayag ni Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry (Star) Division, Philippine Army, na nakabase sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, nasagip ang batang warrior na si “Ka Macoy” kasunod ng naganap na engkuwentro ng militar at NPA sa Barangay San Carlos.
Habang nagsagawa ng hot pursuit operation ang hanay ng sundalo sa lugar ng sagupaan kamakailan kung saan ay nakita nila ang batang warrior na si Ka Macoy na naiwan ng mga kasamahan niyang mga NPA.
Kusa naman umanong sumuko si Ka Macoy sa mga sundalo at kusang isinurender nito ang hawak na M16, armalite riffle na puno ng bala at apat na magazine na pawang puno ng mga bala at mga dokumento na nagpapatunay na siya ay kasapi ng makakaliwang kilusan.
Samantala, sinabi ni Tayaban na isa lamang na propaganda ng mga NPA na unang naging pahayag ng ‘’Karapatan Cagayan Valley’’ na mali umano at hindi nila miyembro si Ka Macoy, at sapilitang kinuha ito kundi kusang sumana sa kanila. IRENE GONZALES
Comments are closed.