17-ANYOS PABABA ‘DI PA PUWEDENG BAKUNAHAN

HINDI pa rin papayagan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na mabigyan ng bakuna ang mga kabataan mula 17-taong gulang pababa.

Ito ang paglilinaw na inilabas ng lokal na pamahalaan sa mga kumakalat na sabi-sabi o tsismis na pinapayagan nang mabakunahan ng COVID-19 vaccines ang mga menor de edad na mas mababa sa 18-taong gulang base sa abiso na inilabas ng National COVID-19 Vaccination Operations Center noong Hulyo 11.

Sa inilabas na abiso na pirmado ni Health Usec. Myrna Cabotaje, nakasaad na simula Hulyo 11, ang pediatric o adolescent (17-taong-gulang pababa) ay hindi pa rin papayagan na mabakunahan.

Dagdag pa ni Cabotaje, ang pagbibigay ng vaccination rollout ay nakatutok pa rin sa karapat-dapat na populasyon mula 18-taong gulang pataas sa ilalim ng mga priority groups na A1 (frontline health workers), A2 (senior citizens), A3 (adults with comorbi­dities), at sa ilan pang mga lugar kabilang ang priority groups na A4 (economic frontliners) at A5 (indigent population) na nakasaad sa National Vaccine Deployment and Vaccination Plan (NDVP).

“Sa kasalukuyan, hindi sila pinapayagan sa mga vaccination sites katulad ng mga naririnig na sabi-sabi o tsismis. Sa nakasaad sa National Vaccination Deployment Plan, magpopokus pa rin kami sa karapat-dapat nma populasyon ng 18-taong gulang pataas sa mga priority groups,”ani Muntinlupa City Health Officer Dr.Juancho Bunyi.

Sa target population ng lungsod na 385,725 ay nakapagturok na ng unang dose ng bakuna ang lokal na pamahalaan sa 152,900 residente o katumbas ng 39.6 porsiyento.

Kabilang sa 152,900 na nakatanggap na ng u­nang dose ay 10,928 sa A1 ca­tegory; 19,319 sa kategor­ya ng A2; 64,975 sa A3; 49,396 sa A4 category at 8,282 sa kategorya ng A5.

Mayroon namang 65,164 indibiduwal sa lungsod ang nakatanggap na ang ikalawang dose ng bakuna o katumbas ng 16.9 porsiyento ng kanilang target population.

Kamakailan lamang ay tumanggap ang lokal na pamahalaan ng 22,780 bagong doses ng AstraZeneca vaccine na ipagkakaloob naman sa iba’t-ibang vaccination sites simula kahapon. MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “17-ANYOS PABABA ‘DI PA PUWEDENG BAKUNAHAN”

  1. I loved as much as you’ll receive carried out right here. The sketch is attractive,
    your authored subject matter stylish. nonetheless, you
    command get got an shakiness over that you wish be delivering the following.
    unwell unquestionably come further formerly again since exactly the same nearly a lot often inside case you shield this
    increase.

  2. 239559 618297It is difficult to get knowledgeable individuals with this topic, but the truth is could be seen as do you know what you are referring to! Thanks 414582

  3. 338805 258215 Spot on with this write-up, I truly feel this web site needs significantly far more consideration. Ill probably be again to read significantly much more, thanks for that info. 135287

Comments are closed.