17 ASSISTIVE DEVICES PARA SA PWDs IPINAMAHAGI NG DOH

ILOCOS REGION- UMAABOT sa 17 assistive devices para sa persons with disability (PWD) ang ipinamahagi ng Department of Health-Ilocos Region sa pangunguna ni Regional Director Paula Paz Sydiongco sa bayan ng Rosario, La Union noong Huwebes.

Kabilang sa assistive devices na ipinamahagi ay 4 single tip canes, 6 crutches, 4 walkers at 3 quad canes.

Ayon kay Sydiongco, kailangang gabayan at unawain ang pangangailangan ng PWDs kung saan bigyan sila ng pagkakataon upang makapagtrabaho at maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

“Our PWDs must also be given the same opportunity as with a normal individual. They have the same rights and it is our duty as a government agency to uphold them so that they may enjoy and benefit from it” ani Sydiongco.

Kabilang din sa dumalo sa distribution ceremony ay sina Mayor Bellarmin A. Flores II, PWD President Felix Baliclic, OSCA President Perfecto Hidalgo at ang mga staff.

Base sa tala ng Philippine Statistic Authority 2010 Census, aabot sa 4,743 persons with disability ang nasa Ilocos region. MARIO BASCO