UMAABOT na ngayon sa kabuuang 64 ang mga kaso ng Delta variant (B.1.617.2) ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos na makapagtala pa ng 17 bagong kaso ng naturang mas nakahahawang variant nitong Sabado, batay na rin sa pinakahuling genome sequencing report na inilabas ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).
Natukoy na sa karagdagang 17 Delta variant cases, 12 ang local cases at isa ang returning overseas Filipino (ROF).
Kinukumpirma pa umano nila kung apat na iba pang kaso ay local cases o ROFs.
Nabatid na sa 12 lokal na kaso naman, siyam ang may address sa National Capital Region (NCR) at tatlo naman sa Calabarzon.
Tatlo umano sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso pa o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, habang ang 14 naman ay nakarekober na.
“The outcomes are being validated by our regional and local health offices. This brings the total Delta variant cases to 64,” anang DOH.
Samantala, bukod sa karagdagang Delta variants, iniulat din ng DOH na nakapagtala rin sila ng karagdagan pang 11 kaso ng Alpha variants (B.1.1.7) , 13 Beta (B.1.351) variant cases, at dalawang P.3 variant cases sa bansa.
Sa 11 Alpha variant cases, 10 ang lokal na kaso habang biniberipika pa kung lokal o ROF case ang isa pa.
Base sa case line list, isa sa mga ito ang nanatiling aktibo, pito ang nasawi at tatlo ang nakarekober. Nasa 1,679 na rin ang kabuuang kaso ng Alpha variant sa bansa.
Sa 13 bagong Beta variant cases naman, 10 ang lokal na kaso at ang bineberipika kung lokal o ROF.
Base sa case line list, isa sa mga ito ang active case pa rin, dalawa ang nasawi at 10 ang nakarekober. Sa kabuuan, mayroon nang 1,840 Beta variants sa bansa.
Sa dalawang P.3 variants naman, na kapwa nakarekober na, isa ang local case habang hindi pa batid kung local case o ROF ang isa pa.
Kaugnay nito, iniulat ng DOH na ang mga samples mula sa mga seafarers ng M/V Tug Clyde at Barge Claudia ay isinama na sa susunod na batch nang isasagawang whole genome sequencing.
Kasunod naman ng anunsiyo ng pagkakaroon ng local transmission ng Delta variant sa bansa, binigyang-diin ng DOH ang pangangailangan na paigtingin pa ang contact tracing upang kaagad na ma-isolate ang mga pasyenteng dinapuan nito.
Mahigpit ang paalala ng DOH sa mga mamamayan na istriktong tumalima sa ipinaiiral nilang minimum public health standards (MPHS), magpabakuna na laban sa COVID-19 at kumpletuhin ang kanilang doses alinsunod sa schedule nito. Ana Rosario Hernandez
928860 667077After study a lot of with the content material inside your web internet site now, and i also truly a lot like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and are checking back soon. Pls take a appear at my web page also and inform me how you feel. 896629
Wow that was unusual. I just wrote an really long comment but after I clicked submit my comment didn’t show up.
Grrrr… well I’m not writing all that over again. Regardless,
just wanted to say wonderful blog!
258429 873486You designed some decent points there. I looked more than the internet for any issue and discovered most individuals goes as effectively as along with your web web site. 445839
723911 279513Outstanding post, I think weblog owners need to larn a good deal from this blog its truly user genial . 220496
245002 785965Hey there. I want to to inquire somethingis this a wordpress weblog as we are thinking about shifting over to WP. Also did you make this theme on your personal? Thanks. 217526
164427 485643Aw, this was a very good post. In thought I wish to put in writing like this additionally – taking time and precise effort to make an excellent article but what can I say I procrastinate alot and under no circumstances appear to get something done. 843468