17 BARANGAY SA PASAY CRITICAL ZONE AREAS

Emi Calixto-Rubiano

IDINEKLARA ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang 17 barangays sa lungsod bilang critical zone areas (CrZ) dahil sa matataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang nasasakupang barangay.

Inihayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang 17 barangays na nasa ilalim ng CrZ na Barangays 14; 34; 37; 42; 46; 66; 106; 144; 169; 171; 177; 183; 184; 185; 190; 193 at Barangay 201.

Base sa memorandum order na ipinalabas ni City Administrator Atty. Dennis Bernard Acorda, ang nadagdag na dalawang barangay na naipasailalim sa CrZ ay ang Barangay 183 at 193 na may kumpirmadong kaso ng virus na 42 at 33 ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ayon kay Calixto-Rubiano, nauna ng isailalim ang 11 barangay sa lungsod bilang mga critical zone areas na idineklara ng lokal na pamahalaan simula Hulyo 8 hanggang Hulyo 22 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.