CAVITE – LABIMPITONG kababaihan ang nasagip mula sa prostitusyon sa lalawigang ito.
Sinabi ni Police Lt. Col. Samuel Mina Jr. ng PNP Women and Children Protection Center, walo sa mga nasagip ay mga menor na ibinubugaw sa halagang P5,000.
Naaresto naman ang isang menor na suspek na siyang nagyaya sa social media at tinagpo sa Las Piñas.
Iginiit ng suspek na kumikita lamang ito ng P1,500 kada babae sa kaniyang naibubugaw. PILIPINO Mirror Reportorial Team