CAVITE – LABIMPITONG (17) Chinese ang inaresto ng operatiba ng National Bureau Investigation (NBI) nitong Oktubre 15, 2024 sa isang resort sa Tagaytay City, na ginawang pugad ng ilegal na POGO Operations.
Sa ulat ng NBI, plano lamang nila na sagipin ang isang Chinese na umano’y ikinulong ng mga kapwa Tsino sa nasabing resort.
Dalawang linggong tinorture umano sa pamamagitan ng pagkuryente sa bahagi ng katawan.
Dahil sa impormasyong ibinigay ng kaibigan ng biktima, ikinasa ang isang operasyon at dito nga ay natuklasan ang 17 Chinese na sangkot sa ilegal na POGO Operations tulad catfishing scam, credit card scam, cryptocurrency scam, at fake investment scam.
Narekober ng mga otoridad ang mga cellphone, SIM card, computer, at script na ginagamit sa panloloko.
Nahaharap ang mga inarestong chinese national sa reklamong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 at Anti-Financial Account Scamming Act in relation sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
SID SAMANIEGO