17 CHINESE IPADE-DEPORT

ONLINE GAMBLING-2

IPADE-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang labing pitong Chinese national na sangkot sa online illegal gambling kung saan lulan ang mga ito sa Philippine airlines (PAL) flight patungong Wuhan, China.

Matatandaan na nitong nakaraang Oktubre, may 27 Chinese national ang pinauwi ng BI sa China kasabay ang pagpapa-blacklist upang hindi na muling makabalik sa bansa.

Ayon sa report, 17 Chinese ay kasama sa 300 foreign national na pinatapon palabas ng bansa bunsod sa pagkakasangkot ng mga ito sa online illegal gambling sa loob at labas ng Metro Manila.

FROILAN MORALLOS