HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 17 Chinese nationals pagkalabas sa arrival area sa Terminal 3.
Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente,dumating ang 16 Chinese national noong Miyerkules ng hapon sakay ng Pan Pacific Airlines flight galing sa Zhengzhou, China.
Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., ang 16 na Chinese national ay nagkunyaring sponsored ng isang tech company na nag-ooperate sa Filipinas.
Ngunit, nadiskubre sa spot interview na hindi magkakatugma ang sagot at hindi maipaliwanag ang kanilang layunin sa pagpunta sa bansa gayundin, wala ring maipakita ng tinatawag na relationship sa nag-sponsor sa kanila.
Nabatid, ilang oras lang ang pagitan naharang din ang isa pang Chinese national sa NAIA Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight mula sa Bangkok, Thailand na empleyado o konektado sa Solar Energy company sa Filipinas ngunit hindi maipaliwanag ang kanilang layunin sa bansa.
Dahil dito, agad pinasakay ang 17 dayuhan sa available flight pabalik sa kanilang mga port of origin kasabay ang paglalagay ng mga pangalan ng mga ito sa listahan ng mga blacklist.
FROILAN MORALLOS
Comments are closed.