17 KRIMINAL NASAKOTE NG CYBERCOPS

PINURI ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge at Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia ang Anti-Cybercrime Group operatives na nakaaresto ng 17 cyber criminals sa loob lamang ng isang linggo.

Isinagawa ang operasyon mula Nobyembre 21 hanggang Nobyembre 27.

Ayon kay Sermonia, kapuri-puri ang pagtugon sa tungkulin ng nasabing yunit ng PNP sa pamumuno ni Brigadier General Joel B Doria, ACG Director.

Sampu sa mga naaresto ay pawang wanted persons habang binigyang pagkilala rin ng liderato ng PNP ang anim na tagumpay ng ACG sa pagpapatupad ng Cyber Warrants, 25 Digital Forensic Examinations, at 35 kaso ay naisumite na sa korte.

“Our cybercops will continue to be relentless in taking countermeasures on misinformation and spread of fake news by conducting cyber patrol operations on social media and other online platforms. We remind our public especially this coming yuletide season to be always vigilant in using social media and be responsible netizens”, ayon kay Sermonia. EUNICE CELARIO