17 M COVID-19 VACCINES NA ANG DUMATING SA PH

UMAABOT na sa mahigit sa 17 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), mag mula pa nitong buwan ng Pebrero,Marso at Hunyo.

Base sa talaan ng Bureau of Customs ( BOC), ang nasabing bilang ng bakunang dumating at kinabibilangan ng 12 milyon Sinovac vaccines,2.556 milyon ng AstraZeneca, 2.478 milyon Pfizr, 249,600 Moderna at 180,000 doses ng Sputnik V vaccines.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, ang mga COVID-19 vaccines na ito ay mula sa mga bansang China, UK, US, at Russia.

At bilang pgsunod sa IATF protocol, ito ay dumadaan sa advance clearances process upang masigurong mabilis na mailalabas at maidedeliber ito bukod pa sa under guarding duties na ipinapatupad.

Kaugnay nito,sinabi no Senate pro Tempore President Ralph Recto na bigyan ng pagkakataon ang mga tao na pumili ng gagamiting bakuna kontra sa COVID-19.

Aniya,dapat tiyakin ng gobyerno na available lahat ng brand ng bakuna para mayroong pagpipiliang bakuna nag taumbayan.

Sa ngayon karamihan sa available na bakuna ay gawa ang China made na Sinovac at mayroon na rin dumarating ang Pfizer, AstraZeneca , Sputnik at Moderna.

Nauna na rin sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon na dapat ikonsidera na ng gobyerno na bumili ng ibang brand ng bakuna at huwag lang tumuon sa china brand na Sinovac.

Marami umanong mas mabibili na bakuna na mas epektibo sa laban sa COVID-19 at kahit mas mahal ay iyon ang bilihin para maprotektahan ang publiko lalo na ang mga health worker.FROILAN MORALLOS/LIZA SORIANO

4 thoughts on “17 M COVID-19 VACCINES NA ANG DUMATING SA PH”

  1. 19988 312872Thank you for writing this tremendous top quality write-up. The information in this material confirms my point of view and you actually laid it out well. I could never have written an article this good. 145555

Comments are closed.