17 MIYEMBRO NG MILF TODAS SA SAGUPAAN

MAGUINDANAO DEL SUR – PATAY ang nasa 17 indibidwal sa naganap na sagupaan ng dalawang magkalabang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kamakalawa ng gabi sa Sitio Gagada­ngan, Barangay Kilangan, bayan ng Pagalungan.

Ang naturang ulat ay  kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Jean Fajardo sa Camp Crame kahapon.

Ayon kay Fajardo, nag-ugat ang engkuwentro dahil sa alitan sa lupa na umaabot sa 45 ektarya ang lawak.

Batay sa impormas­yon mula sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO BARMM), sumalakay ang grupo ng isang Kumander Latip sa kuta ng kalabang grupo na pinamumunuan ni Kumander Sultan, bandang alas-11 kama­kalawa ng gabi.

Nabatid sa nasabing insidente, 16 na tauhan ni Kumander Latip ang nasawi habang isang tauhan naman ni Kumander Sultan ang napatay.

Sa kasalukuyan, kontrolado na ang sitwasyon sa lugar matapos ang pagdagdag ng pu­wersa ng pulisya at militar at paglalagay ng mga check point.

EVELYN GARCIA