17 OFWs GUMALING NA SA COVID-19

MAY labing pito pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bagong naka-recover sa CO­VID-19.
Gayunpaman, 24 naman ang bagong kaso at isa ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 18,569 na ang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibayong-dagat.

Nasa 6,042 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling habang 11,366 na ang kabuuang mga gumaling.

Ito ay kabilang sa 94 countries,territories na may Filipino COVID-19 cases. LIZA SORIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *