LABIMPITO ang nasawi at 22 pa ang nawawala sa Palawan na isa sa mga lalawigan na hagupit ng bagyong “Odette.”
Ang nasawi ay 2-anyos lamang na tinangay ng baha sa Barangay Irawan sa Puerto Princesa City.
Kasama umano ng bata ang kaniyang pamilya na tumatawid sa binahang kalsada noong Biyernes ng gabi matapos silang lumikas mula sa kanilang bahay.
Isang bangkay naman ng senior citizen ang nakita sa Barangay Lucbuan. Lima naman ang naiulat na nasawi sa Langogan.
Ayon sa ulat, 22 katao ang nawawala sa isang isla sa munisipalidad ng Roxas, ang ika-siyam at huling lugar kung saan nag-landfall ang bagyong Odette.
Marami umano sa kalsada ang hindi madadaanan ng mga four-wheeled vehicles at motorsiklo lang ang makakalusot.
Sa Puerto Princesa, pahirapan ang mga linya ng komunikasyon at walang kuryente.
Marami ring kabahayan sa lungsod ang nasira at nawalan ng bubungan.
Pahirapan din umano ang makukuhanan ng malinis at maiinom na tubig.