CANADA – LIGTAS ang 17 Filipino crew members na lulan ng nagliyab na container ship sa Halifax, Nova Scotia.
Ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Canada, naisalba ang mga Pinoy at napababa ng barko.
Batay sa post sa social media, nagliyab ang Yantian Express na mayroong layong 1,900 kilometers southwest ng Halifax at agad namang dumating ang rescue kung saan nagresponde ang ilang tugboat para palikasin ang 22 crew members mula sa nag-aapoy na barko.
Tiniyak naman ni Philippine Vice Consul in Halifax Elizabeth Eustaquio-Domondon na maayos ang lagay ng mga Pinoy seafarer at inasistehan ng kanilang fleet manager upang makauwi sa Filipinas. EUNICE C.
Comments are closed.