17 POTENTIAL VACCINES VS COVID-19

TUMANGGI si National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na pangalanan ang 17 potential vaccines na ine-evaluate ng vaccine experts panel.

Ayon kay Galvez, ang isasagawang evaluation ay napaka-kritikal.

Pero sinabi nito na ang mga pharmaceutical companies ng mga bakunang sumasailalim sa review ay mula sa Estados Unidos, China, Russia, United Kingdom, Japan, India, Israel at Germany.

Sa ngayon, ang Chinese vaccine na Sinovac ang nakalusot sa vaccine experts panel pero nangangailangan pa rin ito ng approval mula sa Ethics Board at sa Food and Drug Administration (FDA).

Comments are closed.