17 PULIS NA “NAGPABAYA” SA ESTASYON KINASUHAN

pulis

ILOILO – KINASUHAN na ang 17 pulis na assigned sa Maasin Municipal Station matapos mabigo na protektahan ang kanilang estasyon kaya pinasok ng mga rebelde.

Ayon kay Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office-6, sinabi nito na suspendido at na-demote sa serbisyo ang mga pulis na nagpabaya sa kanilang serbisyo.

Ayon kay Malong, hinatulan ng paglabag sa kasong administratibo ang nasabing mga pulis at apat naman ang nadismis sa serbisyo.

Napag-alaman na 60 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pumasok at nagnakaw ng mga armas at personal na kagamitan ng pulisya sa Maasin Police Station noong 2017.

Kabilang sa mga ninakaw ng teroristang grupo ay ang 11 armalite rifles, apat na Glock 9 mm, dalawang laptop, pera at personal na mga alahas ng mga pulis. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.