170 SCHOOLS NAGTAAS NG TUITION

DepEd NCR Director Wilfredo Cabral

PINAYAGAN  ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng  matrikula ang 170 pribadong paaralan sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni  DepEd NCR Director Wilfredo Cabral na  bago nagbaba ng desisyon, sumailalim muna sa masusing pag-aaral ang kahilingan ng mga pribadong paaralan na makapagtaas ng matrikula.

Pumayag ang DepEd sa 15 porsiyento na  tuition increase.

Ang 70 porsiyento ng  dagdag na matrikula ay dapat mapunta sa dagdag sahod at benipisyo ng mga empleyado ng paaralan habang 20 porsiyento ay para sa modernization o pagpapaganda ng mga paaralan at sampung  porsiyento  lang sa kanilang kita.

Tiniyak ni Cabral na  mino-monitor ng DepEd ang mga pribadong paaralan para matiyak na sinusunod ng mga ito ang natu­rang formula.

Apektado ng pagtataas ng matrikula ang 36 na private schools sa Maynila at 51 naman sa Quezon City. ELMA GUIDO

 

3 thoughts on “170 SCHOOLS NAGTAAS NG TUITION”

  1. 575882 118354light bulbs are great for lighting the home but stay away from incandescent lamps because they produce so significantly heat;; 214913

Comments are closed.