TARGET ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon na magkaroon ng tinatayang 1,700 paroled inmates sa katapusan ng taon.
Sinasabing nakapagtala na ang BuCor ng mahigit sa 1,500 pardoned inmates mula Enero hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan.
At nitong Biyernes lamang ay umabot sa 98 inmates ang nabigyan ng parole ni Faeldon.
Tiniyak naman ni Faeldon na mabibigyan ng transportation allowance ng BuCor ang mga paroladong bilanggo upang masigurong makakauwi ang mga ito.
Maliban dito, anang BuCor Chief, plano rin ng ahensiya na itaas sa P70 ang meal allowance ng bawat preso mula sa kasalukuyang P60 kada araw. DWIZ 882
Comments are closed.