1,714 KATAO LUMABAG SA HEALTH PROTOCOLS, CURFEW

NASA 1,714 na katao ang inisyuhan ng citation tickets ng Pasay City police matapos na lumabag sa health protocols at curfew hour na mahigpit na ipinatutupad bunsod sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Pasay City police chief, Col. Cesar Paday-os, paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga lumalabag sa health protocols at curfew hour upang mapigilan ang paglabas ng mga tao sa may 57 na barangay na isinailalim sa localized community quarantine.

Aniya, nasa 1,059 ang insiyuhan ng citation ticket dahil sa hindi pagsusuot ng face mask, 142 ang nahuli na walang face shield, 272 ang hindi sumunod sa physical distancing at 241 naman ang lumabag sa curfew hour.

“Hindi naman po masasabi na total lockdown ang isang buong barangay kundi iyong mga lugar o kabahayan lamang na may confirmed cases ang binabantayan namin para hindi makalabas ang mga tao,” ayon kay Paday-os.

Sinabi pa ni Paday-os na ang mga tao ay pinapayagan naman lumabas ng kanilang bahay ng su­balit kinakailang na nila magpakita ng kanilang ID kung sila ay papasok sa kanilang trabaho o di kaya naman ay clearance galing sa kanilang barangay. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.