1,715 LGUs DAPAT TUMAAS ANG MARKA SA PERFORMANCE AUDIT

MULING sasailalim ang mga local government units (LGUs) sa taunang Peace and Order Council (POC) Performance Audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang tiyakin na aktibong nagpapatupad ng peace and order programs at projects ang mga ito sa kanilang lugar sa bansa.

“Through this yearly audit, we want to make sure that our regional, provincial, city and municipal POCs are functional and are carrying out strategies and interventions to further improve the peace and order situation in their areas,” ayon kay DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Sa audit na isasagawa ngayong taon, kailangang magtala ang may 1,715 local POCs sa bansa ng 70% o mas mataas na marka kumpara sa 65% ng nakaraang taon upang maituring na “functional” batay sa mga sunusunod na pillars gaya ng organization, meetings, policies, plan and budget, reports at general supervision.

“Ang mas mataas na functionality rate ng POCs ay repleksyon ng mas kaaya-ayang mga LGUs,” anang kalihim
Aniya, mayroon ding bonus points para sa POCs na nakagawa ng mga innovations o makabagong programa na malaki ang kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko sa kani-kanilang mga lokalidad.

Sa audit ngayong taon, magdadagdag din sa unang pagkakataon ng development indicators tulad ng Effectiveness in Addressing Criminality Issues, Citizens Satisfaction on Peace and Order and Public Safety at Women’s Participation in POCs.

Ioorganisa at pangungunahan ng Bureau of Local Government Supervision (BLGS) ng DILG ang National Audit Team (NAT) kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at Civil Society Organization (CSO) bilang miyembro nito.
EVELYN GARCIA