1,731 NAARESTO SA GUN BAN

arestado

CAMP CRAME – UMAKYAT na sa 1,731 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa COMELEC gunban.

Ayon kay PNP Spokesperson,  Sr. Supt. Bernard Banac, 1,635 na naaresto ay mga sibilyan, 20 pulis, 3 sundalo, 22 government officials, apat na iba pang miyembro ng Law Enforcement Agencies, isang miyembro ng BJMP.

Nadakip din ang 35 Security guard, siyam na miyembro ng threath groups at dalawang miyembro ng private armed groups.

Sa mga naarestong ito narekober ng PNP ang 1,380 na mga baril, at 11,920 na mga deadly weapons at mga bala.

Patuloy ang pagbabantay ng PNP upang mamo-monitor ang lumalabag sa umiiral na COMELEC gunban.          REA SARMIENTO

Comments are closed.