NASABAT ng mga awtoridad ang nasa 1,737 kilos ng “double dead” na Karen na nagkakahalaga ng PHP300,000 habang sila ay gumagawa ng inspeksiyon sa mga meat vendor sa pamilihan ng siyudad kamakailan.
Naispatan ni George Garcia, Meat Inspector III of the National Meat Inspection Service (NMIS), kasama si Cavite City chief veterinarian Dr. Anna Teresa Baleda, at ang city police mobile patrol team ang mga “double dead” na karne habang sila ay nagsasagawa ng joint inspections ng bandang alas-2 ng umaga sa meat market section ng city public market sa Barangay 27.
Kinumpiska ng grupo ang 1,737 kilos ng assorted double dead na karneng baboy, manok, at baka na itinitinda ng mga pinaghi-hinalaang meat vendors na nakilalang sina Rosauro Estacio, Renato Melitante, Soledad Joyes, Salvador Bangalisan at Merson Marasigan.
Sinabi ng NMIS office na mag-iisyu sila ng babala sa mga tinukoy na meat vendors kaysa dalhin sila sa police station.
Hindi umano pumasa sa NMIS examination ang “Double dead” or tainted meat, na tinawag ding “botcha” ang ibinebenta sa palengke, at mas mura sa regular na presyo ng karne.
Nagbabala ang mga awtoridad sa mga mamimili at konsyumer na huwag bibili ng “botcha” dahil ito ay puwedeng makalason at magkaroon ng sakit.
Sasampahan ng kaso ang limang tindero ng “botcha” sa paglabag sa Republic Act 9296 as amended by RA 10536 the “Meat Inspection Code of the Philippines.”
Kinumpiska ng joint inspection team ang iba’t ibang klase “double dead” meat at ini-stock sa Koldstor Cold Storage sa Anabu Hills, Imus City, Cavite. Ang mga karne ay ipauubaya sa City Veterinarian’s office para sa tamang disposisyon. (Dennis Abrina/PNA)
Comments are closed.