LA UNION – AABOT sa 176 kilo ng hot meat na nakumpiska ng element ng Task Force ASG ang ibinaon sa landfill sa bayan ng Bauang, La Union.
Ayon kay Municipal Agriculturist Rebecca Sabado, ang naturang double dead na karne ay ipagbibili sa merkado kung hindi ito nakumpiska.
Una rito, naharang ng Bauang Police ang nasabing hot meat na galing umano sa bayan ng Aringay sa lalawigan.
Ayon kay PLt. Juan Casem Jr, deputy chief of police ng Bauang Police, nakalagay sa sako at isinakay sa isang pick up ang nasabing double dead na karne ng baboy.
Samanatala, pinaalalahanan naman ng pulisya ang mga vendor na mag-ingat sa mga ibinibentang karne ng baboy at siguraduhin na ito ay may kaukulang dokumento bago ibenta sa merkado. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM