NASA 1,761 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Oktubre 29, umabot na sa 376,935 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 39,940 o 10.6 porsiyento ang aktibong kaso.
Ang 83.3 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.9 porsiyento ang asymptomatic; 2.1 porsiyento ang severe habang 3.7 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 33 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 7,147 o 1.90 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 740 naman ang gumaling pa sa bansa kaya pumalo na sa 329,848 o 87.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Comments are closed.