17,654 PULIS GUMALING SA COVID-19

NANATILING hindi ligtas ang hanay ng mga pulis sa epekto ng pandemyang dala ng coronavirus nang tumaas pa sa 55 ang bilang ng mga kagawad ng Philippine National Police na nasawi sanhi ng COVID-19.

Ayon kay PNP-Administrative Support on COVID-19 Task Force Commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, base sa hawak nilang datos, isang 39 anyos na babaeng Non Uniformed Personnel na nakatalaga sa PNP-Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) ang namatay noong Linggo.

Una rito, araw ng Sabado nasawi naman ang isang 46 na lalaking Police Non Commission Officer na nakatalaga sa PNP National Capital regional Police Office.

Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa hanay ng PNP at base sa record ng PNP Health Service hanggang alas-6:00 Linggo ng gabi (Abril 25), 19,639 na ang confirmed COVID-19 cases sa loob ng kanilang organisasyon.

Nabatid na nasa 107 pulis ang naitalang kabilang sa mga bagong COVID-19 cases kabilang ang apat na reinfection o muling nahawahan ng coronavirus.

Sa nasabing bilang, 1,930 ang aktibo pang kaso habang nasa 240 namang ang bilang ng mga pulis na nadagdag sa mga gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 17,654 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Samantala, nasa 10,842 na ang bilang ng mga pulis na nakatangap ng unang jab ng COVID-19 vaccine habang nasa 2,357 naman ang nakatangap na ng kanilang ikalawang dose ng bakuna. VERLIN RUIZ

7 thoughts on “17,654 PULIS GUMALING SA COVID-19”

  1. 439283 816638The vacation delivers on offer are : believed a selection of some of the most selected and furthermore budget-friendly global. Any of these lodgings tend to be extremely used along units might accented by means of pretty shoreline supplying crystal-clear turbulent waters, concurrent with the Ocean. hotels packages 177922

Comments are closed.