MULING tinamaan ng COVID-19 ang 1,786 pulis na dating nakarekober sa nasabing virus.
Ito ang naging pag-amin ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang commander ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force.
Paglilinaw naman ni Vera Cruz, ang nasabing bilang ay simula ng pandemya noong March 2020.
Sinabi rin ng heneral na isa sa tatlong personnel na nagpakita ng severe symptoms ay pumanaw habang ang dalawa ay nakarekober sa sakit.
Aniya,ang nasabing iginupo ay hindi pa nababakunahan habang ang dalawa ay bakunado na.
Hanggang Oktubre 5, batay sa datos ng reinfected cases sa PNP, nasa 1,561 dito ay asymptomatic, 222 may mild symptoms at tatlo ang severe symptoms.
Karamihan sa mga nagkaroon ng reinfection na mga personnel ay mula sa iba’t ibang regional police offices (PRO) na nasa 989, sinundan ito ng National Operations Support Unit (NOSU) na nasa 418, National Administration Support Unit (NASU) nasa 92 at 62 sa National Headquarters (NHQ). EUNICE CELARIO
465015 996247Some truly nice and useful info on this site, likewise I conceive the style holds outstanding attributes. 86574
47666 312440Utterly composed topic material , thanks for selective details . 799368