NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 17,891 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Base ito sa naitalang datos simula Setyembre 12 hanggang 18.
Mas mataas ito ng 22 porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Setyembre 12 hanggang 18.
Nasa 2,556 naman ang daily average cases.
Samantala, dalawa ang bagong severe and critical cases habang 242 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas pa sa datos na nasa 27.8 porsoyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 5,851 sa 21,078 non-ICU beds ang gamit.
22.9 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 576 sa 2,514 ICU beds ang gamit.
Nasa 790 ang severe and critical admissions, o 11 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions. RIZA ZUNIGA