TAX AUDIT MULING TAX AUDIT MULING SINUSPINDE

ALINSUNOD sa kautusan ng Civil Service Commission (CSC) na nagbabawal sa alinmang tanggapan ng gobyerno na tumanggap ng regalo o anumang bagay ngayong Kapaskuhan, iniutos ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang pansamantalang suspensiyoon ng tax audit.

Ang suspensiyon ng tax audit ay ipinatupad ng BIR simula noong Disyembre 16 at tatagal hanggang Enero 30, 2023 sa layuning maiwasan ang katiwalian o harassment sa taxpaying public.

Ito ang ikalawang pagkakataon na sinuspinde ang tax audit. Ang una ay noong panahon ni former BIR Commissioner Cesar ‘Billy’ Dulay na ipinagpatuloy ni dating Revenue Commisdioner Lilia Guillermo.

Pinayuhan ni Commissioner Lumagui ang mga tax investigator sa buong kapuluan na magdahan-dahan sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga taxpayer at kausapin ang mga ito sa kanilang pagkakautang sa buwis sa assessing at collection ng tax liabilities nang walang harassment.

Sinabi ni Commissioner Lumagui na ang pagsasagawa ng service oriented meeting sa mga taxpayer ay makaeengganyo sa mga ito na mag-comply sa kanilang finance obligations na magbayad ng buwis sa halip na takutin o puwersahin na tumupad sa kanilang tax obligations. Sinabi ni Commissioner Lumagui na ang pag-audit ng taxpayers’ book of accounts na walang pananakot ay isang mabisang paraan upang ang mga ito ay tumugon at makipag-cooperate para magbayad ng tamang buwis.

“Just follow the normal audit procedure,” payo ni Commissioner Lumagui sa lahat ng tax investigators ng Kawanihan ng Rentas Internas.

Iniutos ni Lumagui ang lifting ng tax investigation na unang sinuspinde ni Commissioner Dulay at ipinagpatuloy ni Commissioner Guillermo matapos itong nombrahan ni Pangulong Ferdinan ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang bagong chief ng BIR.

“The take of investigation is only about three to five percent of the annual total collection, but has tremendous effect in voluntary compliance as it makes taxpayers aware of the serious consequences of autruthful declarations,” batay naman sa paniniwala ng mga regional director at revenue district officer.

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na bago matapos ang taxable year ngayong Disyembre ay makakamit ng BIR ang kanilang tax collection goal.

Kabilang sa hanay ng mga top collector sina BIR Regional Directors Edgar Tolentino (East NCR), Dante Aninag (Makati City), Jethro Sabariaga (South NCR), Gerry Dumayas (Caloocan City), Labino Galanza (City of Manila, Bobby Mailig (Quezon City at sina Metro Manila Revenue DIstrict Officers, Bethsheba Bautista, Arnold Galapia, Rebe De Tablan, Jun Mangubat, Rodel Buenaobra, Abdullah Bandrang, Alma Celestial-Cayabyab, Deogracias Villar, Jr., Frederico Plarca, Renato Ruiz, Dennis Floreza at iba pa.

(Para sa kemento, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 09266481092)