17M WORKERS BAKUNADO NA VS COVID-19

UMABOT na sa 17 milyong manggagawa ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Depart- ment of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na lumobo ang bilang ng mga bakunadong manggagawa nang magsagawa ng three-day vaccination drive.

“Mula po sa 10 million prior to the 3-day vaccination po, tayo po ay nasa 17 million na po ang fully vaccinated na workers,” ani Tutay.

Gayunman, marami pa rin, aniya, ang mga manggagawang hindi pa nababakunahan.

“Malaking bagay po ito pero kung titingnan mo po sa labor market ay marami pa po tayong kailangang mabakunahan,” ayon kay Tutay.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may  43.83 milyong indibidwal ang may trabaho sa bansa hanggang noong Oktubre 2021.

Iniutos ng pamahalaan ang mandatory vaccination sa mga kuwalipikadong on-site na manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor simula ­Disyembre. LIZA SORIANO