BUBUKSAN ngayong araw hanggang Linggo ang 17th Franchise and Business Expo, na inorganisa ng Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI), sa World Trade Center sa Pasay City.
May temang Galing ng Pinoy: Lokal is the new Focal” ang unang making event ng AFFI’ ngayong taon. Inaasahang ipakikita ng kani-kanilang negosyo ang mahigit na 300 exhibitors na kinabibilangan ng maraming popular na food franchise brands sa buong kasama ang kanilang service providers at iba pang interesting business concepts.
Maaasahan ng expo attendees na marami silang matututunan mula sa lineup ng powerhouse business speakers na handang magbahagi ng kanilang kaalaman.
Ang breakout sessions ng tatlong araw na event ay tungkol sa entrepreneurship talks, on-stage demonstrations, indepth seminars, event cultural at product presentations na makatutulong sa mga dadalo na makakita ng bagong successful business ideas to invest sa panghinaharap sa pamamagitan ng franchising at matuto ng ABCs ng pagtatayo ng negosyo.
“We at AFFI believe wholeheartedly in our local businesses and we thank them for their unselfish acts of sharing their knowledge and experiences to investors and would-be entrepreneurs through the expo. The expo is also AFFI’s commitment to continue to discover businesses and hopefully espouse an entrepreneurial mindset among many Filipinos, who may want to go into business but don’t know where to go to. We hope to achieve all these in fulfillment of AFFI’s mantra ‘Para kay God, Para sa Bayan, Para sa AFFI,” pahayag ni AFFI President Marie-Joyce Co Yu, na siya ring presidente at CEO ng Trueblends Tea & Coffee.
Idiniin ni Ms. Yu na ang publiko ay makakaasa ng mas maraming AFFI activities ngayong taon matapos ang expo at ang isa rito ay ang EntrepOlympics© 2018-2019 Food Edition, isang kompetisyon na naglalayon na mang-engganyo ng pagnenegosyo sa senior college students na kumukuha ng kahit anong business- or food-related course na may konsepto ng food business na maaari nilang iprangkisa sa darating na panahon.
Ang Association of Filipino Franchisers, Inc. ay isang prime trade organization na naglalayon na itaguyod ang responsible at home-grown micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng franchising.
Noong Nobyembre 2018, mayroon ng 221 miyembro na may mga negosyo na bumibilang sa 16,000 outlets, 36 porsiyento ay pag-aari ng kompanya na ang 64 porsiyento ay nakaprangkisa. Ang mga negosyong ito ay nananatili sa negosyo sa loob ng 10 tao at nakapagbibigay ng trabaho sa mahigit na 96,000 Filipino at nakapagbebenta ng taunang sales na umaabot sa Php54.07 bilyon.
Ang ika-17th Franchise and Business Expo ng AFFI, na may temang “Galing ng Pinoy: Lokal is the new Focal,” ay gagnapin sa Halls B and C, World Trade Center, Pasay City ngayong Pebrero 1-3, 2019 mula 10a.m. hanggang 7p.m. Ang expo partners ay Globe MyBusiness and Security Bank.
Para malaman ang iba pang detalye tungkol sa Association of Filipino Franchisers, Inc., bisitahin ang http://www.affi.com.phor or follow them on Facebook sa www.facebook.com/affiempoweringentrepreneurs. AFFI is headquartered at the AFFI Center, Unit R 7/F FuturePoint Plaza III Building, #111 Panay Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City. Call AFFI at (02) 745-3237 and 0917-5182334 or 0917-5199837.
Comments are closed.