18-65 YEARS OLD PUWEDE NANG LUMABAS

Edwin Olivarez

IKINOKON – SIDERA ng Metro Manila Council (MMC) ang panukalang pagpapahintulot na payagang makalabas ng bahay ang mga residente na may edad 18 hanggang 65 taong gulang.

Ayon kay MMC chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na tatalakayin ng mga alkalde ang nasabing panukala na posibleng paboran subalit hindi naman nila aayunan ang pagpagpapaikli ng curfew hour.

Nais ng mga Metro Manila Mayors  na pananatilihin ang kasalukuyang ipinapatupad na alas-10:00 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga na curfew hour.

Dagdag pa ni Olivarez na ang mga nagtatrabaho at mga awto­risadong taong lumabas ng kanilang bahay lamang ang tanging exempted sa pagpapatupad ng curfew.

Gayunpaman, Sinabi pa ni Olivarez na aalamin pa rin ng MMC sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang guidelines para sa 24-oras na operasyon ng mga restaurant.

Paliwanag pa nito, kailangang madetermina ng MMC ang polisiya ng IATF base na rin sa pagkakahuli kamakailan ng mga customer sa ilang restobar sa Metro Manila na lumabag sa curfew hour.

“Kasi ang aming pag-uusap po ng MMC at members ng IATF, yun pong 24 hours ay for delivery. Yung dine-in ay hindi po 24 hours,” ani Olivarez. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.