USA – ISANG 18-anyos na Pinoy ang nagdagdag ng karangalan sa Filipinas makaraang masungkit nito ang grand prize para sa engineering design competition sa Estados Unidos sa kanyang likhang air quality sensor na tinawag na Re-LAQS (Respiratory Local Air Quality Sensor).
Si Carl Vincent Camilon Cuyos ang kinatawan ng Oxnard High School (OHS)-University of California Sta. Barbara na nanguna bilang over-all winner sa 2019 State Championship sa Mathematics, Engineering and Science Achievement National Engineering Design Challenge (MESA-NEDC).
Ang kompetisyon ay isinagawa sa University of California, Los Angeles (UCLA) noong Linggo.
Siyam ang naglaban sa mga mag-aaral ng UCLA, San Jose State University, California State East Bay, California State University Fresno, UC Irvine, UC Riverside, UC Davis, San Diego State University, at Imperial Valley College.
Si Cuyos ang nasa likod ng disenyo ng nanalo para sa kanilang team habang si Sara Centeno ang sa research, Jenna Huynh sa business, David Pulido bilang programmer at ang kanilang guro na si Nicholas Peterson bilang kanilang adviser.
“Hence, the Re-LAQs innovation, aimed to protect 91 percent of the globe’s population, who live in polluted areas identified by the World Health Organization. To reduce air pollution threat and health cost, people can use RE-LAQs, to measure air quality and take appropriate action,” ayon kay Cuyos na ang lolo at lola ay mula sa Mauban at Perez, Quezon. GELO BAINO
Comments are closed.