CAMP CRAME – TUMATAAS pa ang bilang ng mga lumalabag sa Omnibus Election code 18 araw bago ang May 13 Midterm Elections.
Sa datos mula sa Philippine National Police (PNP) umabot na sa sa 4,729 katao ang naaresto sa iba’t ibang police operations mula Enero 13 hanggang Abril 25, alas 12:01 ng madaling araw.
Batay sa datos na ibinigay ni PNP Spokesman, PCol. Bernard Banac, ang pagkaaresto ay mula sa PNP COMELEC Checkpoints na 532,445; Joint AFP-PNP Checkpoints, 39,893; search warrants na 997; warrant of arrest na 68; Police Patrol Response, 2,719 at Oplan BAKAL/SITA/GALUGAD, 862 kung saan aabot sa 576,983 na police operations.
Pinakamaraming naaresto ay civilians sa bilang na 4,449; sinundan ng security guard na 79; government/elected officials na 75; may 38 pulis ding nadakip; 31 mula sa threat groups; 17 na militar; 12 sa other law enforcement agencies; siyam na dayuhan; walo sa private armed groups; pito sa militiamen at apat sa Bureau of Jail Management Penelogy.
Aabot naman sa 3,942 ang nakumpiska at isinukong maliliit na armas habang kabuuang 235,967 pa ang narekober na nakamamatay na kagamitan kasama ang firearms replica, mga patalim at bomba habang nakakumpiska rin ng 33,423 sari-saring bala.
Panawagan naman ni PNP Chief, Police General Oscar Albayalde na makipagtulungan ang publiko sa awtoridad para makamit ang mapayapa at matagumpay na May 13 Midterm elections at sumunod sa omni-bus election code. EUNICE C.
Comments are closed.