NAKAPAGTALA ang Department of Health ng 18 bagong kaso ng UK variant ng COVID-19.
Dahil dito ay umakyat na sa kabuuang 62 ang kaso ng UK variant sa bansa.
Ayon sa DOH, ang mga nasabing bagong kaso ay nagpositibo sa 757 na sample na sumailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.
13 sa mga ito ay overseas Filipino workers na dumating sa bansa noong Enero 3 hanggang Enero 27, 2021.Nakarekober naman ang mga ito.
Ang tatlong bagong kaso naman ng UK variant ay mula sa Cordillera Administrative Region kung saan ang dalawa ay lalaki na 12 taong gulang at konektado sa cluster mula sa Samoki, Bontoc, Mountain Province at ang isa pa ay 41-anyos na babae na mula sa La Trinidad, Benguet cluster.
Nakarehistro na rin ang mga ito ayon pa sa DOH.
Samantala, may naitala rin ang kagawaran ng panibagong tatlong mutation ng COVID-19 at nagmula sa Region 7 o Central Visayas dahilan upang pumelo na sa 37 ang mutation.
848663 488646This is a excellent subject to talk about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. This write-up probably wont do properly with that crowd. I will be positive to submit something else though. 484056