18 BAHAY TINUPOK NG APOY

QUEZON-GINISING ng sunod- sunod na sirena ng fire trucks ang mga mamamayan ng Buenavista nang sumiklab ang sunog sa dalawang bloke ng kabahayan sa Barangay Poblacion kahapon ng madaling araw.

Base sa pahayag ng Buenavista Fire department, mabilis na kumalat ang apoy na nagmula sa ilang commercial establishment kung saan may mga naganap na pagsabog.

Tinatayang nasa 18 konkretong bahay ang tuluyang tinupok ng apoy na sumasakop sa dalawang bloke ng kalsada malapit sa pinakasentro ng bayan.

Ayon kay Mayor Rey Esguerra Rosillo, nasa 89 na indibiduwal ang naapektuhan ng sunog na tu­magal ng halos 6 na oras bago naapula ang apoy.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga Fire Marshalls ang sanhi ng sunod at ang kabuuan ha­laga ng pinsala.

Nagpaabot naman agad ng tulong si Rosilllo sa mga nasunugan. ARMAN CAMBE