PINAPAYAGAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang hindi bababa sa 18 home antigen test kits para sa COVID-19.
Batay sa data ng FDA hanggang May 10, ang self-administered test kits ay mayroong 83 percent hanggang 97.5 percent sensitivity at 99.5 percent hanggang 100 percent specificity.
“Marami pa po tayong hinihintay sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine),” pahayag ni FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez.
Samantala, sinabi pa ni Gutierrez na walang COVID-19 vaccine manufacturer ang nag-apply para sa booster shots ng mga bata.
“Kung sakali mang may mag-a-apply, sa loob po ng tatlong linggo susubukan po nating ma-evaluate ito agad,” pahayag ni Gutierrez.
Gayunman, tiniyak na kakayanin naman ito dahil nagtutulungan ang lahat kasama ang mga vaccine expert. Beth C