PINATAWAN ng Department of Justice (DOJ) ng preventive suspension ang 18 kawani ng Bureau of Immigration (BI), dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa extortion o panghihingi ng lagay sa mga Korean.
Ayon sa pahayag ni Commissioner Jaime Morente, ibinaba ang supension order ng DOJ laban sa 18 empleyado makaraang maghain ng reklamo ang mga biktima sa office of the President na siyang naging dahilan upang ipag-utos sa Secretary ng Department of Justice ang pagpapataw ng penalty.
Sinabi ni Morente na ang extortion ay isang paglabag ng sinumpaang salaysay o oath of service bago manungkulan, kung kaya aniya hindi sila makakaligtas sa kaparusahan na ipapataw ng batas.
Ayon pa sa opisyal, bukod sa preventive suspension laban sa mga suspek, kasabay na nililitis sa BI Board of Discipline ang kasong administrative at criminal charges bago irekomenda sa DOJ ang kaukulang multa laban sa mga ito.
Dagdag pa ni Morente, hiniling niya sa National Bureau Of Investigation (NBI) ang sariling imbestigasyon ng ahensiyang ito bago sampahan ng kasong kriminal. FROI MORALLOS
Comments are closed.