18 NAILIGTAS SA LUMUBOG NA BANGKA

NAILIGTAS ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 18 katao mula sa papalubog na Bangka sa karagatang sakop Malamawi Island ng lalawigan ng Basilan.

Ayon sa Naval Forces Western Mindanao, naging mabilis ang kanilang ugnayan sa PCG kaya naisalba ang mga sakay ng lantsa .

Una rito humingi ng tulong si Mr. Reymar Wee ng Tubig Putih, Luuk, Sulu sa Naval Task Group Sulu dahil sa nagkaaberyang ML “Queen Shaima 3” bandang alas-4:33 ng madaling araw dahil nabutas umano ang lantsa at nagsisimula nang pasukin ng tubig ang engine room nito.

“Our naval forces immediately conducted lateral coordination with the Philippine Coast Guard and PNP maritime aboard Basilan province for the prompt rescue operation,” ani Naval Forces Western Mindanao Commander Rear Admiral Toribio Adaci, Jr.

Kinilala ang mga sakay ng lantsa na sina Angelica Sali, 19-anyos ng Barangay Upper Calarian, Zamboanga City; Angel Enriquez,
21-anyos na mula Tumaga; Jasmin Loyola, 19-anyos at Erlin Moran, 19-anyos na mula Maria ng nasabing siyudad.

Ayon sa PCG at Provincial Risk Reduction Managemenrt Office may isang Bangka rin na may limang sakay sa nay Baluk-Baluk, Hadji Muhtamad ang nailigtas naman ng mga mangingisda sa nasabing din lugar.

Sa pahayag ng Basilan PDRRMO ang dalawang aksidente ay bunsod ng masamang panahon.VERLIN RUIZ

Comments are closed.