INIULAT ng Department of Health (DOH) na ang 18 mula sa 47 kaso ng mas nakahahawang Delta variant na natukoy sa Pilipinas ay hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa rin sa mga Delta variant cases na fully vaccinated na, apat ang nakatanggap na ng isang dose ng COVID-19 vaccine, habang biniberipika pa nila ang vaccination status ng natitira pang 23 kaso.
Sa 47 kaso, 36 na ang nakarekober, tatlo ang nasawi habang walo naman ang nananatiling aktibong kaso ngunit asymptomatic naman o walang anumang nararamdamang sintomas ng sakit.
Hindi naman tinukoy ng DOH kung ang mga namatay, nakarekober at aktibong kaso, ay bakunado na laban sa COVID-19.
Nabatid na ang mga pasyente ay may age range na 14 hanggang 79-taon at 32 sa kanila o 76% ay pawang mga lalaki.
Samantala, sinabi rin ni Vergeire na ang 24 na Delta cases ay pawang returning overseas Filipinos (ROFs), 22 ang local infections, habang biniberipika pa kung ang isang kaso ay local o ROF.
Pito naman umano sa mga pasyente ang may address sa Metro Manila, kabilang dito ang apat na pasyente na mula sa Maynila, dalawa mula sa Pasig at isa naman sa Taguig.
Ang Central Luzon at Northern Mindanao naman ay nakapagtala ng tig-anim na kaso, habang tig-dalawang kaso ang naitala ng Calabarzon at Western Visayas. Ana Rosario Hernandez
I want to to thank you for this fantastic read!!
I certainly loved every bit of it. I have got you bookmarked to look at
new stuff you post…