18 SHABU COURIERS IDINIRETSO SA REHAS

drug courier

CAVITE – UMAABOT sa 18 shabu courier na nasa drug watchlist ang nasakote ng awtoridad sa ikinasang magkakasunod na anti-drug operation sa mga lungsod ng Dasmariñas, Bacoor, General Trias at mga bayan ng Silang, at Noveleta kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Inihahanda na ang kaukulang ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek na sina Jayson Remigio y Domasig, 20; Michael Lanita y Bacabac, 24, kapwa nakatira sa Barnagay Sampaloc 4, Dasmariñas City; Rodin Naguila y Roleda, 29, ng Brgy. Bucal; Jonald Saria y Perea, 33, ng Barangay Bulat, bayan ng Silang; John Carlos Tubo y At-At, 25, ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Noveleta; Dennis Santero y Miguel 45; at si Wilson Rivera y Natividad, 39, ng Brgy. Dulong Bayan, Bacoor City.

Naaresto rin ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) ang iba pang drug couriers na sina Danilo “Negro” Rosales y Diana, Marie rose Rosales y De Castro, Reymond Fauni y Rosales (ex-detainee) at si Micahel Solis y Dumali.

Nakumspiak sa grupo ni alyas “Negro” ang 10 plastic sachets na shabu at marked money na ginamit sa anti-drug operation na isinagawa sa bahagi ng Sitio Canatuan 2, Brgy. San Francisco sa General Trias City.

Samantala, arestado rin ang pitong iba pang suspek na drug dealers na sina Rolly Ocer y Abancia, 24; Roselyn Ocer y Abaci, 29; Emmanuel Alejandro y Dinamo, 40; Alicia Ocer y Abaci, 53; Nogie Benida y Gaodiano, 32; Loramae Borda y Sari, 27; at si Omar Macapaser y Marao, 45, pawang nakatira sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Isinailalim na sa drug test at physical examination ang mga suspek habang ipina-chemical analysis naman ang nasamsam na shabu na gagamiting karagdagang ebidensya. MHAR BASCO

Comments are closed.