180 CHINESE IPINADEPORT NG BI

IPINA-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang 180 Chinese dahil sa ilegal na pagtratrabaho sa Smart Web Technology (POGO) ng walang permit mula sa pamahalaan.

Ang 180 Chinese ay agad na pinabalik sa kanilang mga lugar sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 336 papuntang Shanghai, China.

Ang nasabing POGO Hub ay pugad ng prostitution at gambling den kung saan ilang Pilipina at mga dayuhan kababaihan ang nasagip ng mga awtoridad.

Sinalakay ang nasabing POGO Hub ng pinagsanib na mga tauhan, Presidential Anti_Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), Inter_Agency Council Against Trafficking (IACAT), at Philippine National Police (PNP).

Ayon sa report ang Smart Web Technology ay matatagpuan sa William St. sa may kanto ng F.B. Harrison, Pasay City at nadiskubre ng raiding team sa loob nito ang ilegal gambling, human trafficking at isang torture chamber.
FROILAN MORALLOS