1,800 OFWs LUMAPAG SA NAIA

NAIA

AABOT sa 1,800 Overseas Filipino Workers  (OFWs) ang panibagong batch mula sa iba’t ibang bansa  ang dumating kahapon   sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA).

Unang dumating ang 350 Filipino repatriates mula Qatar na sakay ng Philippine Airlines flight PR685.

Sinundan ito ng 400 Filipino repatriates na mula naman sa Dubai sakay ng Cebu Pacific flight 5J19.

Gayundin ang 350 Pinoy repatriates mula naman sa Jeddah at sakay naman ito ng Saudia Airlines flight SV862.

Sumunod din ang 300 Pinoy repatriates mula naman ng Abu Dhabi sakay naman ng Etihad Airlines flight EY424.

At ang pinakahuli ay ang 400 Pinoy  repatriates naman mula Amsterdam sakay ng KLM Royal Dutch Airlines flight KL875. LIZA SORIANO

Comments are closed.