1,800 PAMILYA NADAMAY SA BAKBAKAN

BAKBAKAN

MAGUINDANAO – NADAMAY o apektado ng bakbakan ng militar at ng te­roristang grupo ang 1,800 pamilya mula sa tatlong bayan ng lalawigang ito na nagsilikas at ngayon ay nasa evacuation center.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Major Arvin Encinas, bunsod ng ma­tinding sagupaan, hanggang sa ngayon nagpapatuloy ang kanilang clearing operations partikular sa Salibu-Pagatin-Mamasapano, Shariff Aguak, at Datu Salibo kung saan nagkukuta ang grupo nina Salahuddin Hassan.

Inihayag ni Encinas na sa hanay ng militar nagpa-abot din sila ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Sa inilunsad na opensiba ng 6th ID nasa 20 mga terorista ang napatay kabilang na dito ang ilang mga high value targets.

Una nang napaulat sa pahayagang ito, PILIPINO Mirror, na dalawa sa naging fatalities ng terorista, narekober ang cadaver at isa dito ay Arab looking.

Ibinida naman ni Encinas na kanilang ­itinuturing na malaking accomplishments ay ang pagkarekober ng mara­ming mga war materiel at pagkubkob sa kampo ng teroristang grupo. GELO BAIÑO