18,000 APLIKANTE KUMUHA PNPA EXAM

Byron Allatog

MAHIGIT sa 18,000 aplikante  ang kumuha ng pagsusulit nitong Sabado para maging  kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Ayon kay PNPA spokesperson Lt. Col. Byron Allatog,  mula sa may 22,573 registered applicants,  tanging 18,169 aspiring cadets ang dumagsa sa 31 testing centers sa buong bansa para kumuha ng Philippine National Police Academy Cadet Admission Test.

“Sa tingin ko, umaakyat ang patriotism ng ating mga kabataan. And there’s so many opportunities being given,” ani Allatog.

Ilan sa mga aplikante ay nagmula sa Cagayan Valley region, na kasalukuyang nakalubog sa tubig baha nitong mga nakalipas na araw bunsod ng walang humpay na pag-ulan.

Sa may  1,088 registered applicants sa Cagayan, 339 ang nabigong makakuha ng pagsusulit, ani Allatog.

Sakaling makapasa ang mga aplikante sa ibinigay na written examination nitong Linggo ay kakailanganin pa nilang dumaan sa  medical, neuro-psychiatric, at physical agility tests, at makalusot sa board interview bago tuluyang makapasok sa academy.

Nabatid na  300 hanggang  350 cadets lamang ang tatangapin mula sa libo-libong aplikante para mapabilang sa PNPA Class 2024.

Sa  Ramon Magsaysay High School sa Sampaloc, Manila, may 823 cadet aspirants ang kumuha ng pagsusulit.

Makatatanggap  ng benepisyo ang mga   makapapasang aplikante, bukod sa  P38,000 buwanang training allowance,  na katumbas ng  sahod ng police executive master sergeant. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *