INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 380,729 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa hanggang alas-4 ng hapon nitong Oktubre 31.
Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, ito ay matapos makapagtala pa sila ng 1,803 na bagong kaso ng COVID-19.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 97 new cases, Davao City na may 93 new cases, Quezon City na may 86 new cases, Cavite na may 66 new cases at Pasig City na may 65 new cases.
May naitala namang 606 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.
Dahil rito, umabot na sa 331 046 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
Ma 36 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 7 221 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.